Wala nga bang Praise and Worship nun?
Nakatutuwa talaga si Lord araw-araw. Wala pa akong sweldo ngayon but I know it's just a test, lalo na ngayon that He is sending revelations after revelations.
Paano ko ba sisimulan? Inimbitahan ako ng isa sa mga anak ko sa cell group at bakit nga naman ako hihindi? Kung gawain para sa Panginoon, lalo pa kung ang gawain ay pagdadala ng kaluluwa sa paanan ng Panginoon ang usapan, game ako dyan! In short, pumunta ako kanina, kasama ang gf ko --- ang nanay nitong mga anak ko sa cell.
Pumasok kami sa loob ng noo'y ginagawang building kung saan naroon ang isa sa mga unang branch ng Tully's sa bansa. Sabi sa akin ng Bishop ng church, bago lang sila roon. Kakalipat lang dahil medyo distracted na sila sa dati nilang location at medyo maganda ang location na nalipatan dahil malapit sa maraming eskwelahan. Kaya nga naman Youth Connection sila every Friday. "Perfect for them", sabi ko.
Matapos ng aming pagsasaya, nagtaka ang dalawa sa mga anak ko. "Walang Praise and Worship" sabi nung isa. Isa pang tanong sa kanya na tinugtog ang "Price Tag" at "Fireworks". Oo nga naman, ano ang ginagawa ng mga sekular na awitin sa isang simbahan.
Nagkaisyu na kami sa church dito noon at ito rin (nakakatawa mang isipin) ang naging dahilan ng tila pagkakahati namin. Napatanong din ako nung oras na iyon, "Tama ba ito?"
Going back to today, nagreveal na nga si Lord sa akin, confirming that we should not limit our God and how He works. Kung mababasa natin sa 1 Timoteo 4: 5-6 "Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin."
Sinabi ito ni Pablo kay Timoteo dahil maraming lumalabas na doktrina na kesyo bawal kumain ng ganito, o bawal gumawa ng ganiyan, o bawal mag-asawa ng ganito. Isa lang naman ang ating layunin sa pangangaral --- ang makilala ng tao ang Panginoon. Yun rin ang gusto ng Panginoon, pero binabalam natin ito by these doctrines.
Masyado tayong nakatali sa mga kanta ng mga PAW groups (nothing against them though), o sa mga phrases such as "Praise the Lord!", o sa mga nakasanayang gawin sa loob ng simbahan. Again, walang mali roon ngunit, hindi kaya na-t-TO na ang mga non-believers sa atin? Minsan nga, tinatawanan tayo, not because of these, but because hindi tayo makarelate sa kanila or hindi sila makarelate sa atin. Inilalayo natin ang sarili natin sa mga hindi pa mananampalataya sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan sa mga bagay-bagay. Halimbawa na lang ang "secular" o "worldly" sa "religious" o "praise and worship" songs.
Teka, pag sinabi bang "worldly" ang isang awitin eh, makasalanan agad?
Kinuwestiyon ba sa awitin na iyon ang pagiging Diyos ng ating Diyos? Hindi naman di ba? May kinalaman ba iyon sa Diyos? Ang Diyos na mismo ang tanungin natin, pero isa lang ang sigurado ako: ang mundong ito ay sa Diyos at sa Diyos kailanpaman! Walang anumang bagay ang hindi Niya pagmamay-ari.
So bakit natin lilimitahan kung anong awit ang sa Diyos? Besides, ang kay Lord lang naman, huwag lang kayong magkakasala o bibitaw sa pananampalataya, pero kung may bagay man na "nasa mundo" ang magagamit natin para makaakay ng kaluluwa sa Diyos, gawin natin! Kung may awit na makakarelate ang non-believer at pwede nating awitin para makakilala siya sa Panginoon, gawin natin! Don't be afraid to get out of your boxes. Just make sure that you hold on tight to God and ask for His wisdom always. Sabi nga sa Colosas 3:23 "Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao."
Sabi Niya, "Anuman, gawin ninyo para sa Kanya". Gawin ninyo ang lahat para sa ikaluluwalhati ng ngalan ng Diyos!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home